Thursday, July 22, 2010
Ground Zero Chronicles: Out of Boredom..Random thoughts..
Ground Zero Chronicles: Out of Boredom..Random thoughts..: "phew. This is my first blog. Basically I'm a newbie. just stating the obvious. Anyways.I decided to start my own blog out of boredom (refer ..."
Ground Zero Chronicles: Out of Boredom..Random thoughts..
Ground Zero Chronicles: Out of Boredom..Random thoughts..: "phew. This is my first blog. Basically I'm a newbie. just stating the obvious. Anyways.I decided to start my own blog out of boredom (refer ..."
Ground Zero Chronicles: Ang Trabaho...Bow
Ground Zero Chronicles: Ang Trabaho...Bow: "Nakalipas na ang isang buwan simula nang nagkatrabaho ako. Ang masasabi ko masaya ang magkatrabaho! iba't ibang karanasan ang dala ng lugar ..."
Ang Trabaho...Bow
Nakalipas na ang isang buwan simula nang nagkatrabaho ako. Ang masasabi ko masaya ang magkatrabaho! iba't ibang karanasan ang dala ng lugar na to lalo na kung kakatapos mo lang sa kolehiyo (maliban na lang kung working student ka noon, at kung oo. saludo ako sayo. inggit na inggit pa). Naisip ko, sana noon pa ako nagtrabaho, at hindi na lang sana ako nag sayang ng oras sa pagbibilang ng butiki sa kisame ng bahay namin. Alanghiyang buhay tambay nga naman kahit ano na lang gagawin para malibang lang (uyy pumatong yung isang butiki sa isa pang butiki ).
Tamis ng pagpasok sa opisina sa halip na buong araw ka lang nakatengga sa bahay at walang ginagawa kundi tumitig sa kawalan, tamis ng pagtaas ng kumpiyansa sa sarili dahil naging productive na din pagkalipas ng isang taon na pagiging tambay sa bahay, at higit sa lahat ang tamis ng unang sweldo (naka ATM ata yan!). Yan ang ilan sa mga tamis na naranasan ko ngayong nagtratrabaho na ko. Siguro ibibida mo trabaho mo pag nabasa mo to. Sasabihin mo pa na hindi lang ATM ang binigay sayo ng pinagtratrabahuan mo dahil mismong kaha de ero ang binibigay sayo na may limpak limpak na salapi! Kung ganon, baka namang pede mo akong isabit sa trabaho mong yan. Hindi naman ako maarte eh. Pramis :)
Nawala na ko sa nais kong tumbokin. Masaya magkatrabaho lalo na kung nagtratrabaho ka para sa pamilya mo. Diba sarap sa pakiramdam na nakakatulong ka na sa pagbabayad ng gastusin sa bahay. Nagiging dahilan ito kung bakit ang mga tao ay gustong nagtratrabaho. Nagtratrabaho para kumita ng pera na panggastos. Aminin man natin o hindi sa ngayon napakaimportante ng pera. Sa iba nga nagiging prerequisite(pasensya hindi ko alam ang tagalog niyan) na yan para maging masaya. Nakakalungkot kung iisipin na para sa ibang tao pera ang nagpapaikot ng mundo nila. Depensa ng iba praktikal lang sila kaya ganon. O kaya naman. mabubusog ka ba sa saya o makakapaghapag ba ng pagkain sa lamesa ang saya kung wala namang pera! Malakas din ang depensa nila . Pero para sakin mas maganda kung nagtratrabaho ka dahil masaya ka sa ginagawa mo at kasabay nun ay kumikita ka. (playsafe na sagot, sori naman).
hmmm... Pero sa totoo lang hindi ko din masasabi na masaya talaga ako. Oo,nageenjoy ako sa trabaho. Nagkaron ako ng mga kaibigan na masasabi kong tunay. Marami akong natutunan sakanila, dahil bagito ako sa pinasukan kong industriya ginagabayan nila ako at tinuturuan.
Naging bukas din ang isip ko lalo sa mga bagay bagay, nalaman ko na pwede ka din pala magkakaibigan kahit hindi mo ka age group. Nalaman ko din na kahit matanda na ang ibang tao parang wala pa din silang pinagkatandaan, yung mga tipo na kala nila ang galing galing nila at sila lang lagi ang tama. Yung tipong pag humirit sila ayaw mo na lang magsalita kahit wala na sa lugar kasi baka sumiklab pa ang world war III. (pag hindi ako nakapagtimpi lagot yon, raaaawr!).
Mabalik sa kung bakit hindi ako ganon kasaya. (pasensya mahina ang attention span ko). Nakakalungkot lang kasi hindi ko mapraktis ang kurso kong natapos. Nakakamiss din pala maging ____________ (insert profession here). :)
Wala nanaman ang train of thought ko. Natrapik ata.
Subscribe to:
Posts (Atom)