Sunday, June 27, 2010

Out of Boredom..Random thoughts..

phew. This is my first blog. Basically I'm a newbie. just stating the obvious. Anyways.
I decided to start my own blog out of boredom (refer to title), and what i will post here are random gibberish (also refer to title). Basically, ayaw ko lang maubos ang brain cells ko na hindi ko man lang nagagamit. Kaya eto magba-blog na lang ako. hehe.

Boredom sucks. Maliban sa nakakainis, nakakabuang pa na parang gusto mo ng tumalon talon o sabunutan sarili mo para lang marelease ang anxiety. Pero ano ba ang boredom o pagkainip?
May naiinip dahil walang ginagawa(yung buong araw lang na nakatunganga at nakaharap sa pader, naghihintaty na magtransform ang pader at aliwin sya nito), meron naman naiinip kahit may ginagawa pa (yung pagkainip dahil sa nagsasawa na sa ginagawa), may naiinip naman din na madami gustong gawin pero hindi magawa(tulad ng pagtalon sa 100 storey building at mabuhay pagkatapos) dahil walang paraan para gawin ang gustong gawin dahil sa lack of resources.

Pano kaya namamanage ang boredom? Meron ibang tao hindi naiinip kahit buong araw lang nakatengga, siguro eto yung mga taong sobrang busy sa trabaho o sa daily activities kaya pag dumating ang pagkakataon na wala ng ginagawa o "rest day" masaya sila. Meron namang mga tao yung tipong tanggap na nila yung inip kaya hindi na lang nagrereklamo (ayos din to nakakasave ng energy diba), meron naman ung mga 1 day miliionaire, ung tipong pag nagkapera bahala na si batman basta makapagsaya lang (sosyal). hmmmm.

Biglang dumating train of thought ko. yuhooo! meron pa pala ako nito.
Mga tao din pala nageevolve ang itsura. (gawa ng paglalaro ko ng pokemon kamakailan lang). Tinitignan ko kasi ang mga larawang kupas na naipon ko (mga class picture kumupas dahil sa alikabok). Kung dati mukha kang uod wag ka magalala balang araw mageevolve ka din at magiging paru-paro (you're a beautiful butterfly!). Malas mo lang kung earthworm ka at hindi pala catterpillar, kahit pumasok ka sa cocoon hindi ka talaga magiging paru-paro. hehe
Ang bilis ng panahon, kasama ng paglipas nito ang pagbabago tulad na lang sa itsura. Pero meron naman mga tao na hindi nag babago itsura o tumatanda (salamat po doctor!). Para talagang pokemon, ayan nagevolve na si pikachu naging pikaching na. hehe buti na lang tao ako at hindi pokemon yaw ko magising isang araw na ibang itsura na ang haharap sakin sa salamin. Kahit na si Brad Pitt pa ang evolution ko. Baka magsisigaw pa mga kasama ko sa bahay at ipahuli pa ko sa baranggay. hehe!
Nawala nanaman ang train of thought ko. Naflatan ata ng gulong. tsk tsk

tsk tsk. ano ba yan naiinip pa din ako. Wala ba kayong radioactive o genetically enhanced insekto diyan? Pahiram naman papakagat lang ako o kaya kung gagamba yan ipanglalaban ko sa mga batang naglalaro ng gagamba sa may kanto peperahan ko sila. anong gagamba ang tatalo sa sa genetically enhanced super spider? gagambang package? pfft! kahit pa gagambang kuryente o gagambang pari yan no match yan. hehe (naalala ko wala na nga palang mga batang naglalaro pa ng gagamba puro gadget na) tsk tsk

Itutulog ko na nga lang tong pagkainip ko, para naman tumangkad pa ko. hehe

No comments:

Post a Comment